Dating CHED Chairperson Patricia Licuanan, tutol sa pag-amyenda ng 1987 Constitution

Tutol si dating Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan sa pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon at sa foreign ownership sa mga paaralan.

Sa pagdinig ng Senate subcommittee on Constitutional Amendments tungkol sa Resolution of Both Houses No.6, ibinahagi ni Licuanan ang kanyang pagkadismaya na sa kabila ng napakaraming problemang kinahaharap ng bansa ay nagkakagulo tayo sa Charter Change.

Giit ng dating CHED Chair, bilang educator ay hindi siya pabor sa pag-amyenda o pagluwag sa restrictions ng foreign ownership sa educational institutions sa alinmang antas.


Binigyang diin pa ni Licuanan na sinusuportahan naman ng internationalization policy ng CHED ang pakikipag-partner ng maraming Higher Education Institutions sa mga foreign university at ang ganitong partnerships ay maaaring mapaghusay pa na hindi na kinakailangan ang Cha-Cha.

Ipinunto pa ni Licuanan na ang mga FDIs na nangakong papasok sa bansa ay wala namang hinihinging kondisyon na mag-Cha-Cha muna bagkus ang mga problema sa burukrasya at korapsyon ang pangunahing tinukoy na humaharang sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

Facebook Comments