Kaso ng pagdukot sa Chinese sa Maynila, tinutukan na ni DILG Secretary Benhur Abalos

Inaalam na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang kaso ng pagdukot sa isang 27 anyos na Chinese na negosyante sa Brgy. 313, Sta Cruz, Maynila noong Linggo ng gabi.

Sa ambush interview, sinabi ni Abalos na inatasan na niya ang Philippine National Police na tutukan ang kaso.

Ipinasa na ng Manila Police District sa Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame ang kaso.


Base sa kuha ng CCTV, kauuwi lamang ng biktima nang alas-9 ng gabi noong Linggo nang biglang dukutin ng dalawang lalaki.

Naalarma naman ang mga residente sa lugar dahil ito ang unang beses na may nangyaring pagdukot sa lugar.

Facebook Comments