Hinamon ng Malacañang ang mga kumukwestiyon sa Statement Of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumulog na lang sa korte.
Matatandaang kinuwestiyon ng Philippine Center For Investigative Journalism (PCIJ) ang SALN ng Pangulo dahil hindi raw tugma sa kinikita ng isang public official ang kanyang yaman.
Habang sabi ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, dapat na ipaliwanag ni Pangulong Duterte sa publiko ang “unexplained wealth” ng kanyang pamilya.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw na nakasaad sa batas na dapat magsumite ng SALN ang lahat ng mga public official.
Pero aniya, hindi naman nire-require ang mga opisyal na magpaliwanag kung bakit tumaas ang kanilang yaman.
Kaya buwelta ni Panelo, kung naniniwala si Sereno at ang PCIJ na ill-gotten wealth ang paglobo ng yaman ng pangulo, maghain na lang sila ng kaso sa korte.