Manila, Philippines – Pinatawan ng siyamnapung araw na preventive suspension ang dating Albuera PNP chief of police na si Police chief inspector Jovie Espinido.
Ito ang kinumpirma mismo ng opisyal sa panayam ng DZXL RMN Manila.
Aniya, epektibo ang preventive suspension sa kanya nito pang nakalipas na July 16, 2017 na inilabas ng National Police Commission.
Nag-ugat aniya ang preventive suspension na ito matapos na sampahan sya ng kaso ni Ormoc mayor at aktor na si Richard Gomez dahil sa isinasangkot niya raw ang alkalde sa illegal drugs transaction ni dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa dahil kasama ang pangalan ni Gomez sa blue book ng pinatay na si Mayor Espinosa.
Ayon kay Espinido, tanggap naman daw niya ang suspensyong ito kung ito ang nararapat.
Mas maigi raw ito dahil makakapahinga siya at maranasan kahit sa sandali ang buhay sibilyan.
Sa ngayon, nakatalaga si Espinido bilang chief of police ng Ozamis City.