Dating chief of police ng Tetuan Police Station sa Zamboanga City, inaresto ng CIDG

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang mismong kabaro na dating chief of police ng Tetuan Police Station sa Zamboanga City na si Police Lt. Col Nonito Asdai.

Ito ay dahil sa umanoy ma-anomalyang pag-handle ng siyam na drug cases ng kanyang police station simula taong 2017 kaya ito na dismissed sa Regional Trial Court 9.

Mula sa ulat ng PNP CIDG, si Asdai ay 55 anyos na naaresto sa mismong kanyang bahay sa Blue Homes Subdivision Barangay Mercedes.


Nalaman ng PNP Police regional Office 9 ang pagkaka-dismiss ng siyam na kaso sa korte kaya agad na inimbestigahan si ASDAI at pitong tauhan nito.

Natukoy na dahil sa pagpapabaya nito sa trabaho kaya hindi nakapagbigay ng matibay na ebidensya para madiin sa kaso ang mga akusado sa siyam na drug cases.

Sa ngayon, nahaharap si Asdai at kanyang mga tauhan sa numerous counts of Simple Neglect of Duty at simula Setyembre nang nakaraang taon ay nahaharap ito sa Administrative Suspension hanggang ngayong buwan ng Setyembre.

Sinampahan din sya ng PNP Region 9 ng kasong paglabag sa Section 92 ng RA 9165 sa siyam na magkakaibang Korte sa RTC 9.

Facebook Comments