Dating child star na si Trina “Hopia” Legaspi, enganged na!

174

Enganged na ang dating Goin’ Bulilit star na si Trina Legaspi o mas kilala bilang “Hopia”.

Sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram, bakas ang saya ni Trina matapos na mag-propose ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina.

Nabatid na nito lamang November 22 nang mag-celebrate ang dalawa ng kanilang sixth anniversary.


Bakas din sa kanyang post ang excitement na mapakasalanan ang kanyang first at only love.

Nagpasalamat din siya sa Panginoon sa pagbibigay sa kanya ng kanyang “destined partner”.

Nagpaabot naman ng pagbati ang kanyang mga dating kasamahan sa Goin’ Bulilit gaya nina Julia Montes, Jane Oineza, Nikki Bagaporo at CJ Navato.



Facebook Comments