Barangay Ginebra at TNT Tropang Giga, maghaharap sa kauna-unahang PBA bubble Finals

86

Maghaharap sa makasaysayang PBA “bubble” Finals ang Barangay Ginebra San Miguel at Talk N’text Tropang Giga para sa PBA Philippine Cup title.

Gaganapin ang game 1 ng kanilang best-of-seven series mamayang alas 6:00 ng gabi sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.


Matatandaang nakapasok sa finals ang GinKings matapos na masungkit ang panalo sa do-or-die game game five ng semifinals kontra Meralco Bolts noong Biyernes.

Inaasahang maglalaro agad mamaya para sa GinKings ang tinaguriang dynamic duo ng koponan na sina Scottie Thompson at Stanley Pringle.

Ikinatuwa naman ni TNT head coach Bong Ravena ang muling pagpasok nila sa finals makalipas ang pitong taon.

Facebook Comments