Manila, Philippines – Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 2nd division sa kasong katiwalian si dating COMELEC Commissioner at dating Isabela Governor Maria Gracia Cielo Padaca.
Ito ay matapos palitan ni Padaca ng guilty plea ang kanyang unang inihain na not guilty plea sa korte.
Batay sa records ng anti-graft court, buwan ng Setyembre ng palitan ni Padaca ang plea na inihain niya.
Dahil dito ay pinagmumulta ng korte ng tig-isang libo sa bawat kaso o kabuaang P4,000 para sa apat na bilang ng kasong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and employees si Padaca.
Ang kaso ay nag-ugat sa hindi paghahain ni Padaca ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth mula 2007 hanggang 2010.
Si Padaca ay nahaharap din sa kasong graft at malversation kaugnay ng P25 Million na pondo na inilaan nito sa Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation, Inc. noong siya ay gobernador pa.