Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez na pumanaw na si Former Comelec Commissioner na si Rex Borra sa edad na 84.
Para kay Jimenez, mailalarawan niya si Borra na isang napakagaling na Civil Servant at champion ng komisyon.
Dagdag pa niya, mabuting tao at kaibigan umano ang namayapang Commissioner sa mga empleyado.
Matatandaang itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001 bilang Commissioner sa nasabing ahensya si Borra.
Nagsilbi rin siyang acting Chairman ng komisyon noong 2007 bago tuluyang magretiro noong 2008.
Facebook Comments