Inutusan ng Supreme Court si dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na magpaliwanag kung bakit hindi siya pwede i-contempt.
Kaugnay ito ng paglalahad ni Guanzon sa publiko ng usapin sa kanyang substitution case sa party-list.
Binigyan ng Korte Suprema ng 10 araw si Guanzon para magpaliwanag sa kanyang paglabag sa sub judice rule.
Una nang nagpalabas ang Supreme Court ng temporary restraining order
sa pag-upo ni Guanzon sa P3PWD Party-list
Kasunod ito ng petisyon na inihain ng Duterte Youth Party-list na kumokontra sa pagpayag ng Comelec sa substitution bid ni Guanzon
Facebook Comments