Dating Cong. Reynaldo Umali, pumanaw na

336

Pumanaw na si dating Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa edad na 63.

Ito ang kinumpirma ng kanyang kapatid na si Oriental Mindoro Rep. Alfonso “Boy” Umali Jr.


Ayon sa kongresista, kaninang alas-8:00 ng umaga pumanaw ang kanyang kapatid habang naka-confine sa St. Luke’s Hospital sa BGC, Taguig City.

Sinabi ng mambabatas na cardiac arrest ang dahilan ng pagkasawi ng kanyang kapatid.

December 12 nang maospital ito dahil sa COVID-19 at lumubha ang lagay ng dating kongresista.

Facebook Comments