Sunog sa isang residential/commercial area sa Parañaque City, kandila ang tinitingnan dahilan ayon sa BFP

56

Kandila ang tinitingan na dahilan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung bakit natupok ang apat na establisyemento matapos na masunog ang apat na kabahayan sa Amvel Business Park Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Ayon kay BFP Fire Arson Investigator, FO2 Jeniva S. Jose, nagsimula ang sunog sa bahay ni Marlyn Langisan na sinasabing naiwan ang kandila at tinatayang P5,000 ang napinsala ng sunog.


Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa naturang sunog habang nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Parañaque BFP.

Pinayuhan din ng BFP ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng kandila, tiyakin na mayroong nagbabantay habang ito ay nakasindi upang maiwasan ang sunog.

Facebook Comments