
Nagpasok ng not guilty plea ang Korte para sa 2019 murder case ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ito ang kinumpirma ng kaniyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio matapos tumangging magbigay ng plea si Teves sa isinagawang arraignment sa pamamagitan ng video conference.
Dahil dito, ang Manila Regional Trial Court Branch 12 na mismo ang nagpasok ng not guilty plea para sa dating kongresista na nahaharap sa kasong murder.
Kasunod nito, sinabi ni Topacio na mag-uumpisa na ang paglilitis sa darating na July 29.
Habang bukas, nakatakda namang dumalo nang personal si Teves sa arraignment ng kaniyang isa pang kaso na nakahain naman sa Manila Regional Trial Court Branch 15.
Facebook Comments









