Dating Customs Commissioner Isidro Lapeña, tumanggi na isiwalat ang nilalaman ng kontra salaysay na inihain niya sa DOJ

Manila, Philippines – Tumanggi si Dating Customs Commissioner Isidro Lapeña na isapubliko ang nilalaman ng isinumite niyang counter affidavit sa DOJ panel of prosecutors.

Kaugnay ito ng pagkakadawit niya sa 11-billion shabu smuggling na inilagay sa magnetic lifters

Ayon kay Lapeña, ipinauubaya na niya sa DOJ ang pagtimbang sa kanyang depensa.


Kahapon, itinakda ni Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat ang ocular inspections sa magnetic lifters sa Marso 4 sa Bureau of Customs (BOC) at Marso 7 sa warehouse sa GMA, Cavite dakong alas-10 ng umaga.

Facebook Comments