Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa bisa ng warrant of arrest ng Manila Regional Trial Court Branch 10 para sa kasong kriminal si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.
Ang pag-aresto kay Yasay ay may kaugnayan sa paglabag nito sa general banking law at ang bagong Central Bank Act.
Lumalabas kasi na si Yasay at limang iba pa, na mga dating opisyal ng nagsarang Banco Filipino Savings and Morgages Bank ay nagsabwatan sa pagitan noong 2001 at 2009 para maka-secure mula sa bangko ng loan accommodation na nagkakahalaga ng 350 million pesos para sa Tierrasud Inc.
Lahat ng mga akusado ay nabigong i-report ang loan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Nabigo rin ang mga ito na itama ang violation sa kabila ng kautusan.
Sa kanyang Facebook post, iginiit ni Yasay na hindi siya magpipiyansa hanggang hindi siya idinadala sa husgado para kwestyunin ang itinuturing niyang “abuse of process and travesty of justice.”