Dating DFA Secretary Albert Del Rosario, hindi na pinapasok sa bansang Hong Kong

Tuluyan nang hindi pinapasok sa bansang Hong Kong si dating foreign affairs Secretary Albert del Rosario matapos ang halos 6 na oras na pagkakasalang at pagtatanong sa kaniya ng mga immigration officials sa holding area.

 

Sinabi ni Philippine Consul General Antonio Morales na mas matagal kaysa sa karaniwan ang pagproseso sa pagpasok ni Del Rosario sa Hong Kong.

 

Dagdag pa ni Morales, inasahan na nila ang insidente matapos mapag-alamang dadalo si Del Rosario sa first pacific board meeting.


Agad daw siyang sumulat sa Hong Kong immigration upang ipagbigay alam ang pagdating ng dating kalihim at bigyan ng pagkakataon na gamitin ang special lane.

Pero hindi sumagot ang Hong Kong immigration kaya’t nagpadala siya ng tauhan para asistihan si Del Rosario subalit hindi pa din ito pinayagan.

Sumakay naman na ng eroplano pabalik ng Manila si Del Rosario kaninang alas-2:05 ng hapon kung saan pag-aaralan na ng kaniyang mga abogado kung anong hakbang ang kanilang gagawin sa nasabing insidente.

Facebook Comments