Dating DFA secretary, hindi na dapat ginamit ang diplomatic passport – PRRD

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kaya kinansela ang diplomatic passport ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ay dahil hindi na siya government official.

Ayon sa Pangulo – hindi na maaaring gumamit ng diplomatic passport si Del Rosario dahil hindi na siya kawani ng pamahalaan.

Matatandaang hinarang ng Hong Kong immigration authorities si Del Rosario at pina-deport pabalik ng Pilipinas noong June 21 kung saan dadalo sana siya sa isang board at shareholders meeting.


Una nang iginiit ni Del Rosario na ang pagditine sa kanya ay paglabag sa international treaty on diplomatic relations, partikular ang Vienna convention.

Facebook Comments