Dating DICT Rodolfo Salalima, pinag-resign sa posisyon ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inamin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinagbitiw niya sa posisyon si dating Department of Information Communications Technology Secretary Eodolfo Salalima.

Sa interview kay Pangulong Duterte ay sinabi nito na hindi naman katiwalian ang dahilan ng kanyang pagpapabitiw kay Salalima kundi dahil sa conflict of interest.

Pero ipinaliwanag din naman ni Pangulong Duterte na hindi naman ibigsabihin nito na mayroong pinapaborang telecommunications company si Salalima pero marami aniya siyang natatanggap na reklamo ukol dito.


Sinabi ng Pangulo na noon pa man ay gusto na niyang makapasok sa bansa ang iba pang foreign telcom Company para magmura ang internet sa pilipinas.

Ilan lamang aniya sa bansang ito ay ang China at Singapore pero hindi naman aniya ito inaakyunan ni Salalima.

Batay aniya sa mga reklamo na kanyang natanggap laban kay salalima ay hindi ito nagiging patas sa trabaho at para aniya matigil ang reklamo ay minabuti niya na pag resignin nalang ang kalihim.Manila, Philippines – Inamin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinagbitiw niya sa posisyon si dating Department of Information Communications Technology Secretary Eodolfo Salalima.

Sa interview kay Pangulong Duterte ay sinabi nito na hindi naman katiwalian ang dahilan ng kanyang pagpapabitiw kay salalima kundi dahil sa conflict of interest.

Pero ipinaliwanag din naman ni Pangulong Duterte na hindi naman ibigsabihin nito na mayroong pinapaborang telecommunications company si Salalima pero marami aniya siyang natatanggap na reklamo ukol dito.

Sinabi ng Pangulo na noon pa man ay gusto na niyang makapasok sa bansa ang iba pang foreign telcom Company para magmura ang internet sa pilipinas.

Ilan lamang aniya sa bansang ito ay ang China at Singapore pero hindi naman aniya ito inaakyunan ni Salalima.

Batay aniya sa mga reklamo na kanyang natanggap laban kay salalima ay hindi ito nagiging patas sa trabaho at para aniya matigil ang reklamo ay minabuti niya na pag resignin nalang ang kalihim.

Facebook Comments