Dating DILG Usec. Wencelito Andanar, pumanaw na sa edad na 73

Pumanaw na sa edad na 73 si Special Envoy to Malaysia at dating Department of the Interior and Local Government Undersecretary Wencelito Andanar matapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na liver cancer.

Ito ang mismong inanunsyo ng kaniyang anak na si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar sa kaniyang Facebook page.

Si Wencelito Andanar ay naging Officer-in-Charge (OIC) Governor ng Surigao de Norte mula 1986 hanggang 1998.


Nagsilbi rin siyang Chairman ng Philippine Coconut Authority.

Sa ilalim noon ng administrasyong Aquino, itinalaga siyang Presidential Assistant mula 1989 hanggang 1992 at Undersecretary ng DILG mula 2001 hanggang 2007.

Facebook Comments