Dating DOTC Secretary Abaya, sinampahan na ng kaso sa Ombudsman

Manila, Philippines – Sinampahan ng Department of Transportation ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman sina dating DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya, at iba pang DOTC officials, at ang kumpanyang BURI.

Kabilang sa nagsampa ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay sina DOTr Usec for Legal Reinier Yebra, DOTr Asec for Legal Giovani Lopez at DOTr Asec for Legal Mark Steve Pastor.

Ang kaso ay may kaugnayan daw sa matiwaling kontrata na pinasok nina Abaya sa Buri para sa maintenance ng Metro Railway Transit 3 (MRT-3).


Facebook Comments