UMAYOS KAYO │Sen. Trillanes, pinalagan ang posibleng paghahain sa kanya ng treason

Manila, Philippines – Pwede ba, umayos kayo! Tugon ito ni Senator Antonio Trillanes IV sa posibleng pagsasampa sa kanya ng Department of Justice ng kasong treason o pagtatraydor sa bayan.

Kaugnay ito ng pagkikipagpulong ni Trillanes kay US Senator Marco Rubio kung saan kanilang tinalakay ang hinggil sa PH-US Alliance, gayundin ang mga isyu ng corruption at human rights situation sa Pilipinas.

Katwiran ni Trillanes, kung pagtatraydor ang kanyang ginawa ay ano naman aniya ang tawag sa mga protektor ng isang presidenteng pumatay at nagpapapatay ng mga Pilipino.


Tanong ni Trillanes, matatawag bang bayani ang nabanggit na mga indibiduwal?

Facebook Comments