MANILA – Pansamantalang nasa kustodiya ng senado ang dating driver / bodyguard na si Ronnie Dayan.Ito’y matapos siyang ipa-cite for contempt ni Sen. Manny Pacquiao dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig ng kapulungan kahapon.Ayon kay senate committee on public order and dangerous drugs chairman Ping Lacson – pag-aaralan ng kanilang komite kung ipapakulong nila si Dayan sa building 14 ng New Bilibid Prison.Alinsunod na rin ito sa mosyon ni Sen. Tito Sotto una nang ginisa ng mga senador si Dayan patungkol sa transakyon nito sa bigtime drug lord na si Kerwin Espinosa.Bago maicontempt ng senado – nanindigan si Dayan na kay Kerwin lamang siya kumuha ng pera.Si De Lima rin anya ang nakaisip na mangalap sila ng pondo para sa kampanya.Sinabi pa ni Dayan, na si De Lima ang nagbigay sa kanya ng numero ni Kerwin.Pinuna naman ni Lacson ang tila pagkakaroon ni Dayan ng selective memory.Ang bahagi ng pagdinig ng senado kahapon kaugnay sa kalakaran ng ilegal na droga sa bilibid.
Dating Driver/Bodyguard Ni Sen. Leila De Lima Na Si Ronnie Dayan – Nakadetine Sa Senado Dahil Sa Pagsisinungaling
Facebook Comments