Dating guro, arestado sa panggahasa sa Quezon City

52

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping ang isang dating guro sa kanilang ikinasang operasyon sa Quezon City dahil sa kaso ng panggahasa.

Ayon kay PNP-AKG Director Jonnel Estomo ang naaresto ay kinilalang si Ramil Gara na nahuli sa Barangay Baesa, Quezon City.


Batay sa pag-iimbestiga si Gara ay dating Grade 12 teacher sa Notre Dame School ng Greater Manila, Caloocan City.

Ginahasa umano nito ang isang 18-years old na estudyante noong taong 2017.

Nahuli ito ng mga pulis matapos na magsagawa ng intelligence operation sa Brgy. Baesa, Quezon City bitbit ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 121, National Capital Judicial Region, Caloocan City, dahil sa kasong rape.

Siya ngayon ay nasa temporary custody ng PNP-AKG.



Facebook Comments