Defense Secretary Delfin Lorenzana, balik trabaho matapos gumaling sa COVID-19

55

Natapos na ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang mandatory quarantine period matapos itong maging infected ng COVID-19 pero asymptomatic.

Sa statement, sinabi ni Lorenzana na nagpapasalamat siya sa mga nagdasal para sa kanyang kalusugan.


Muli aniya syang nagpa-test matapos ang ilang araw na quarantine period at negatibo ang resulta.

Kaya naman makababalik na sya sa trabaho para aniya muling pagsilbihan ang sambayanang Pilipino.

Una nang inanunsyo na Lorenzana na sya ay nagpositibo sa COVID-19 kaya nag-isolate ng ilang araw.

Facebook Comments