Dating health secretary, umapela na baguhin na ang depenisyon ng isang taong “fully immunized”

Hiniling ni dating Health Secretary at Iloilo Rep. Janette Garin na baguhin ang depenisyon ng “fully immunized” sa COVID-19.

Ayon kay Garin, dahil sa Delta at Omicron variants at iba pang mutations nito na subvariants ay nagpabago sa kahulugan ng taong nakakumpleto ng bakuna.

Naniniwala si Garin na dahil sa humihinang immunity at hindi sapat na proteksyon kaya nagkakaroon ngayon ng pagtaas sa mga kaso ng sakit.


Paglilinaw naman ng kongresista, ang vaccination kahit may paghina na sa immunity ay nakapagbibigay pa rin ng proteksyon tulad ng zero deaths at hindi paglala ng sakit.

Subalit, dahil sa pagbabago ng behavior ng virus at impact nito sa vaccination ay inaasahang mababago ang depinisyon ng “fully immunized” kung saan ang primary vaccines ay iyong mga nakatanggap na ng tatlong doses, ang 1st at 2nd dose ng COVID-19 vaccine at 3rd dose o ang 1st booster.

Tinukoy ng kongresista na marami sa mga walang booster ang hindi alam na kulang na ang kanilang proteksyon laban sa COVID-19.

Paalala ng mambabatas na isa ring doktor na walang overdose sa bakuna at kailangang ipaintindi ito sa taumbayan.

Facebook Comments