Dating House Majority Leader Rolando Andaya, binasahan na ng sakdal sa Sandiganbayan

1051

Binasahan na ng sakdal ng Sandiganbayan 3rd division si dating Budget Secretary at dating Majority Leader Rolando Andaya Jr.

 

Ang kaso ay may kaugnayan sa Malampaya fund na nagkakahalaga ng P900M kung saan co-accused ni Andaya si pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.


 

Tumanggi namang maghain ng plea para sa kasong graft at malversation si Andaya dahilan upang ang korte na ang magpasok ng not guilty plea para sa kanya.

 

Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure, kapag hindi nagpasok ng plea ang akusado ang korte na ang magpapasok ng not guilty plea para sa kanya.

 

Sa information na inihain ng Ombudsman sinasabing iligal na inilaan ni Andaya ang pondo para sa mga nabiktima ng bagyong Paeng at Ondoy noong 2009 kung saan siya ang nakaupong budget secretary.

Facebook Comments

From Advertisers