Mandatory Drug Test sa mga Kasapi ng POSD, Ipinanukala!

*Cauayan City, Isabela- *Disidido si Retired Colonel Pilarito Mallillin, POSD Chief ng Cauayan na ipanukala ang mandatory drug test sa kanyang pamunuan upang masuri ang lahat ng mga POSD Member.

Kasunod ito sa pagkakasangkot ni Michael Angelo Felipe alyas “Butch” na miyembro ng POSD sa pagtutulak ng droga kung saan napatay ito matapos na manlaban sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad noong gabi ng Hulyo 10, 2019 sa Brgy. Bacareno, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ret. Col Mallillin, hindi aniya ito nagkulang sa pagpapaalala sa kanilang tungkulin at pag-iwas sa mga iligal na gawain.


Dahil dito ay kanya nang susuriin ang bawat pangalan ng kanyang miyembro upang malaman kung kabilang ang mga ito sa listahan ng Drug Enforcement Unit sa kabila na rin ng kanyang paniniwala na posibleng mayroon pang mga miyembro ng POSD ngayon ang maaring sangkot sa droga.

Inamin naman nito na mayroon nang nakasuhan at nakulong sa kanyang mga kasama dahil sa pagkakasangkot sa iligal na gawain.

Dagdag pa ni Mallillin na bukas ito sa mga nais sumuko at handa anya nitong tanggalin sa serbisyo ang sinumang mapapatunayan na sangkot sa iligal na droga.

Hiniling naman nito sa publiko na sumunod lamang sa kanilang mga ipanapatupad na batas trapiko.

Facebook Comments