
Pinahaharap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee si dating House Speaker Martin Romualdez.
Kasabay ito ng anunsyo ni Blue Ribbon Committee Chairperson Pia Cayetano na nag-isyu na ang komite ng imbitasyon para sa muling pagdinig tungkol sa maanomalyang flood control projects, bukas, June 4.
Kasama sa listahan ng pinadadalo si Romualdez na isa sa pangunahing isinasangkot sa katiwalian ng mga government projects at umano’y hinatiran ng male-maletang kickback.
Kasama rin sa inimbitahan ang mga tauhan ni dating Cong. Zaldy Co na sina Marc Tecsay at Paul Estrada.
Pinadalhan din ulit ng imbitasyon ang 18 mga dating sundalo na sinasabing naging dating tauhan at bagmen ni Co at umamin noon na naghahatid ng kickback kay Romualdez, kay Pangulong Bongbong Marcos at sa iba pang politiko.
Sinabi ni Cayetano na inaasahan niya ang kooperasyon ng lahat ng mga inimbitahan para sa pagdinig bukas.










