Wednesday, June 3, 2026

Pondo para sa special elections sa 4th District ng Cavite, gagawan ng paraan ng COMELEC

Hahanapan pa ng Commission on Elections (COMELEC) ng pondo ang isasagawang special election sa ikaapat na distrito ng Cavite matapos mabakante ang puwesto ni Rep. Kiko Barzaga.

Sa mensahe ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sinabi nito na kakailanganin ng mahigit P200 milyong pondo para sa nasabing special election.

Aniya, wala sa mga naunang pinaghandaan ng komisyon ang naturang halalan, kaya kailangan pa nilang humanap ng pagkukunan ng budget.

Kaugnay ntio, pag-uusapan na ng COMELEC en banc ang isyu sa kinakailangang pondo at paghahanda para sa nasabing eleksyon.

Paliwanag pa ni Garcia, walang ibang opsyon ang COMELEC kundi magsagawa ng special election at dapat maisagawa ito mula sa 60 araw ngunit hindi rin lalagpas sa 90 araw mula nang mabakante ang posisyon.

Tinatayang 437,730 rehistradong botante ang maaapektuhan ng special election sa ikaapat na distrito ng Cavite.

Ayon pa kat Garcia, ang pinakahuling araw para magsagawa ng halalan ay September 2, o dalawang linggo bago ang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Election at halos isang buwan bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Facebook Comments