Dating Isabela Governor Grace Padaca, guilty sa kasong katiwalian

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 3rd division si dating Isabela Governor Grace Padaca dahil sa kaso ng katiwalian.

Ang kaso ay nag-ugat sa kwestyunableng paggamit ng P25 Million agricultural funds ng Isabela na inilaan sa private entity na Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation, Inc..

Nahaharap si Padaca sa 12 hanggang 14 na taon na pagkakakulong sa kasong malversation habang 6 hanggang 10 taon naman sa graft.


Pinagbabayad din ng P18 Million sa Isabela government ang dating gobernadora para sa nawalang rice program ng lalawigan.

Iginiit ng dating gobernadora na wala kahit isang sentimo na halaga ang napunta sa kanya at ito ay pinakinabangan ng mga magsasaka.

Facebook Comments