Cauayan City, Isabela- Kinatigan ng Sandiganbayan ang kaso laban kay dating Isabela Governor Grace Padaca dahil sa maanomalyang paggastos ng pondo sa ilalim ng 25-million agricultural project na iginawad sa isang non-government organization taong 2006.
Batay sa 32 pahinang resolusyon nitong buwan ng hulyo, ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang inihain ni Padaca na motion for reconsideration matapos makitaan ng kakulangan ng merito.
Sa parehong resolusyon, pinayagan ng anti-graft court’s third division ang apela ni Padaca sa kanyang kaso sa paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Pinaigsi ng korte ang pagkakabilanggo nito sa 14 na taon mula sa orihinal na desisyon na 24 na taon.
Base sa desisyon noong Nobyembre 2019, hinatulan ng Sandiganbayan si Padaca ng 12 hanggang 14 na taong pagkakakulong para sa kasong malversation.
Hindi na papayagan ng korte na humawak si Padaca ng kahit anong posisyon sa gobyerno at pinagmumulta pa ito ng P18 million.
Sa inihain ng tanggapan ng Ombudsman noong 2011, nagsimula ang kaso sa paggawad ng 25-million contract ng hybrid rice program sa isang non-government organization (NGO) na Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation Inc. (EDWINLFI)
Sinabi ng Ombudsman na si Padaca ay iginawad ang kontrata noong Pebrero 2006 ng walang nangyaring public bidding sa ilalim ng RA 9184 or the Government Procurement Reform Act.
Ang kontrata ay iginawad sa EDWINLFI taong 2006 sa ilalim ng memorandum of agreement (MOA), kung saan niratipikahan ng provincial board noong Enero 31, 2007, ayon sa ombudsman.
Bigo ang EDWINLFI na i-liquidate ang P3.6 million fund kung saan kailangan na mailabas bilang pautang sa mga magsasaka, habang ang P18 million ay nakalista sa ilalim ng loan receivables.
Una nang iginiit ni Padaca na walang napuntang compensation sa NGO at lahat ng halaga ng pera ay natanggap ng mga magsasaka.
Sa bagong patakaran, iginiit ng Sandiganbayan na walang probisyon sa MOA na dapat ito ay load scheme.
Ayon sa korte, pinayagan ni Padacas ang NGO na kunin ang pondo ng walang kahit anong pagbabayad kung saan kinasuhan ito ng malversation.
Sa kasong graft, iginiit ng korte na ang alegasyon ay base sa kakulangan ng public bidding bago igawad ang nasabing proyekto.
Inihayag din ng korte na ang pagpili sa the EDWINLFI bilang NGO-partner ng Isabela sa implementasyon ng rice program ay hindi nangangailangan ng public bidding bilang transaksyon ay hindi kasangkot sa pagkuha ng nasabing proyekto.
Si Padaca ay nakapagpiyansa sa kanyang kasong malversation habang inalis na ng korte ang hold departure order laban sa kanya.