Tumayo bilang Resource Speaker ang dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na ngayo’y nagbalik-loob na sa pamahalaan na si Ginoong Jeffrey Celiz o kilala sa tawag na “Ka Eric”.
Ibinahagi ni Celiz kung paano siya na-recruit ng rebeldeng grupo noong taong 1988 at ibinahagi din niya ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa operasyon at maging sa mga detalye ng istruktura ng nasabing makakaliwang grupo.
Samantala, sinabi ni Celiz na hindi nararapat sabihing “red-tagging” bagkus ay “security exposition” ang pagkakakilanlan sa mga personalidad at mga samahan na may kaugnayan sa makakaliwang grupo dahil ito ay base sa mga ebidensyang nakakalap ng intelligence operations ng pamahalaan hinggil sa mga napapangalanang personalidad.
Dagdag pa niya, dapat lalong paigtingin ang ginagawang information dissemination pangunahin na sa mga paaralan, kolehiyo at mga Unibersidad upang lalong maturuan ang mga mamamayan sa katotohanan patungkol sa ginagawang infiltration ng CPP-NPA-NDF sa iba’t ibang sektor ng lipunan.