ANTI-EPAL CAMPAIGN, PINAIGTING NG DSWD REGION 2

42
Cauayan City, Isabela- Nagbabala ang pamunuan ng DSWD Regional Field Office 2 sa mga tumatakbong kandidato na umeepal sa mga ginagawang programa ng nasabing ahensya.

Ayon kay Regional Director Cezario Joel Espejo na ang mga programa at serbisyo ng DSWD ay inisyatibo ng pamahalaan at sila ay non-partisan sa pulitika.

Kasunod ito ng nakitang tarpauline ng DSWD na may kasamang mukha ng isang pulitiko sa kanilang isinasagawang pay-out sa Santiago City.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Espejo ang mga kumakandidato na huwag munang makilahok sa mga programa at serbisyo ng ahensya.

Kanyang sinabi na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Omnibus Election Code ang paglalagay ng mga campaign materials sa mga aktibidad ng DSWD.

Facebook Comments