Dating kaibigan na si Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo, hinamon ni Alvarez na harapin ang isinampa niyang kasong graft

Manila, Philippines – Hinamon ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Davao Del Norte Representative Antonio Floirendo na harapin ang inihain niyang kaso at huwang nang ilihis ang isyu.

 

Ayon kay Alvarez – interes ng bayan at hindi personal na away ang kanyang dahilan sa paghahain ng kasong graft laban kay Floirendo.

 

Giit pa nito – sagutin ni Floirendo ang alegasyong may iregularidad sa kontrata ng kumpanyang Tadeco at Bureau of Corrections sa halip na ilihis ang isyu sa away ng kanilang karelasyon.

 

Lumalabas sa ulat na nagsimula ang away ng mga karelasyon ng dalawang mambabatas sa agawan ng upuan sa Maskara Festival sa Bacolod noong nakaraang Oktubre.

 

Pinauupo ni Alvarez ang kanyang girlfriend na si Jennifer Vicencio sa nag-iisang bakanteng upuan sa entablado habang ang kasintahan ni Floirendo na si Cathy Binag ay iginigiit na dapat ang kongresita ang nakaupo.


Facebook Comments