Pangulong Rodrigo Duterte, binanatan ang dalawang media organizations dahil sa hindi patas na pamamahayag

Manila, Philippines – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TV network na ABS-CBN at pahayagang Inquirer dahil sa pagiging hindi patas na pagbabalita.

 

Sa harap ng mga konsehal sa bansa kahapon, hindi na napigilan ng Pangulo na magpakawala ng tirada sa mga nasabing media organization.

 

Ayon kay Pangulong Duterte – tinawag pang bastos ni Duterte ang mga nasabing media bukod pa sa ginawang pagmumura ng Pangulo.

 

Iginiit ng Pangulo – pikon ang mga mayayaman kapag hindi nananalo ang mga manok nila sa eleksyon.



Facebook Comments