Nanindigan si dating Health Secretary at Iloilo Representative Janette Garin na hindi pa dapat gamiting gamot sa COVID-19 ang Ivermectin.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Garin na kulang pa ang ebidensya na magpapatunay na ito ay epektibo at posibleng magdulot lamang ng panganib sa mga pasyente.
Ipinaliwanag din nito na ang nasabing gamot ay karaniwang ginagamit sa mga hayop kung kaya’t posibleng ma-overdose ang sino mang indibidwal na gumamit nito.
Aniya, una nang ipinatigil ng US Food and Drug Administration (US-FDA) ang paggamit nito sa kanilang bansa matapos makitaan ng neurological side effects ang ilang indibidwal.
Dagdag pa ni Garin, batay sa panuntunan ng paglalabas ng compassionate permit sa isang gamot ay hindi dapat itinatago ng FDA ang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng indibidwal at ospital na nagbigay nito.