Sports Complex ng Cauayan City, Bukas na sa Publiko

17

Cauayan City, Isabela- Bukas na sa mga Cauayeño ang City Sports Complex (Benjamin G. Dy Sports Complex) na layong tulungan na makapaglaan ng oras ang mga ito sa pag-eehersisyo.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Ginoong John Medrano, City Sports Development Officer IV, titiyakin pa rin ng kanilang tanggapan na ang pagsadya ng mga tao sa lugar ay para sa pah-eehersisyo at hindi sa kung anuman gaya ng pictorial.
Aniya, may pagkakataon kasi na ang mga bumibisita ay hindi para sa self-exercise kundi sa pictorial bagay na mahigpit nilang iiwasan na mangyari ito muli.
Sabi pa niya, nasa 50 katao lang ang papayagan na makapasok sa lugar upang masiguro ang pagsunod sa health protocol.
Samantala, marami na aniyang mga kabataan ang gusto nang makapaglaro sa sports complex para sa sana’y paghahanda sa CAVRAA subalit hindi pa rin ito maaaring gawin bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.
Paglilinaw pa ni Medrano na tanging jogging, running at lawn tennis lang ang papayagan at hindi ang mga contact- sports.
Sa kabila nito, kailangan namang maglog-in sa digital logbook ng opisina at kailangan lang na i-download ang staysafe.ph para sa QR code.

Facebook Comments