Manila, Philippines – Labis ang pasasalamat ng dating labandera na si Lorna Estangco, 56-anyos residente ng Riverside, Upper Banlat, Tandang Sora, Quezon City makaraang mapili ng DZXL 558- RMN Manila para sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL.
Kwento ni Lorna, wala silang hanapbuhay ngayon dahil sa natigil sila sa pagtitinda matapos malugi kung saan galing ang kaniyang puhunan sa bumbay.
Dagdag pa ni Lorna, suma-sideline lang din sa pagka-karpintero ang 59-anyos na mister na si Abner kaya’t paminsan-minsan lang kumikita kung saan nakikitira sila ngayon sa kanilang balae.
Hangad ni nanay Lorna na muling magkapagtinda kaya’t hiling niya na mabigyan siya ng puhunan para magkaroon din sila ng pagkukuhanan sa kanilang araw-araw na gastusin.
Dahil dito, bibigyan ng puhunan ng Serbisyong XL si Lorna kung saan naging masaya naman ito at todo-todo ang pasasalamat.
Samantala, haping-happy ang birthday nina Ginalyn Sorel ng Caloocan at Ricardo Morales ng Quezon City matapos na manalo ng P558.00 sa Ka-Birthday Game habang P558.00 din ang premyo nina Nestor Bacsal at Ria Janelle Bautista na kapwa residente ng Bulacan na nakasagot ng tama sa 558 game.
Ibabalik naman ng Serbisyong XL ang naibayad sa tubig nina Roselle Blancaflor ng Novaliches (P244.00); Elpidio Acuin ng Manila (P521.00); Magdalena Caliete ng Quezon City (P330.00) at Honey Grace Yano ng Pasig (P193.00).
Papalitan din ang mga naibayad sa kuryente nina jesusa Sumosa ng Pandacan, Manila (P697.00) at Teresita Buted ng Pinagbuhatan, Pasig City (P297.00).