Mag-amang tulak, nasakote sa ikinasang buy bust operation sa Taguig

Manila, Philippines – Nasakote ng pulisya ang mag-amang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Road 15, Purok-2, New Lower Bicutan, Taguig City.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Kabunto Lampay, 52-anyos at Basher Lampay, 25 anyos.

 

Ang mag-amang suspek ang itinuturong supplier ng droga sa kanilang lugar kung saan nakuha sa mga ito ang tatlong sachet ng shabu at ang limangdaang pisong marked money.

 

Ayon kay Police Sr. Insp. Jonathan Arribe, hepe ng Maharlika Police Community Precinct, nagpanggap na buyer ang isa nilang tauhan at nang magka-abutan ay saka na nila inaaresto ang dalawang suspek.



Facebook Comments