Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay Cabulalaan, Sinait, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima bilang dating lider ng isang nabuwag na gun-for-hire group.
Batay sa imbestigasyon, sakay umano ng isang sedan ang biktima kasama ang dalawang menor de edad nang bigla silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Tinamaan sa likod ang biktima bago tumakas ang mga salarin sa hindi pa matukoy na direksyon.
Nalaman ng mga awtoridad ang insidente matapos ipagbigay-alam ng ospital kung saan agad dinala ang biktima.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









