Dating Lider ng NPA at Milisyang Bayan, Sumuko sa 95th IB!

93

Cauayan City, Isabela- Kusang sumuko kahapon ang dating Team leader ng New People’s Army (NPA) at isang Militia ng Bayan (MB) sa himpilan ng 95th Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Sa ipinadalang impormasyon ni SSgt Ronelson Battung, CMO NCO ng 95th IB, 5ID, Philippine Army, isinuko ng dalawa ang kanilang sarili sa Community Support Program (CSP) Team ng tropa ng pamahalaan.


Isinurender din ng dalawa na hindi pa pinapangalanan ang kanilang dalang armas na M16 rifle at isang M14 rifle.

Magugunita na noong ika-28 ng Septyembre sa taong kasalukuyan ay sumuko rin ang anim (6) na miyembro ng CPP-NPA kasama ang mga isinukong matataas na kalibre ng armas.

Ang mga sumukong rebelde ay nakatakdang ipasok sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno upang matanggap ang mga ayuda at programang pangkabuhayan na inilaan ng pamahalaan.

Facebook Comments

From Advertisers