Dating lider ng NPA, nagbalik loob sa pamahalaan

Sumuko sa tropa ng militar ang dating lider ng New People’s Army (NPA) sa Rosario, Batangas noong isang Linggo.

 

Pinangasiwaan ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng Rosario katuwang ang 59th Infantry “Protector” Battalion, Batangas Philippine National Police (PNP) ang pag-surender ng nasabing dating lider ng NPA.

 

Kasabay na isinuko ng dating rebelde ang kanyang M16A1 rifle, 2 shotguns, 77 piraso ng 5.56mm cartridges at 4 na magazines.


 

Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto Capulong, ang pagbabalik loob ng dating lider ng NPA ay makatutulong upang mahikayat ang iba pang kasapi ng kilusan na magbalik loob na sa pamahalaan at talikdan ang madugong pakikibaka.

Facebook Comments