Pasok sa ilang paaralan at trabaho sa Davao Region, nananatiling suspendido

Wala paring pasok sa ilang paaralan sa Davao Region bunsod nang naranasang masamang lagay ng panahon dahil sa epekto ng shearline.

 

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 34 na class suspensions ang kanilang naitala.

 

Kabilang dito ang ilang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Davao de Oro, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao city.


 

Maging ang pasok sa trabaho sa mga nabanggit na probinsya ay suspendido parin.

 

Sa pinaka huling report ng NDRRMC, lubog parin sa baha ang 89 na mga lugar sa Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.

 

Nakapagtala rin ng landslide na ikinasawi ng ilang indibidwal maging ng pagkasira ng mga kalsada, tulay at mga kabahayan.

Facebook Comments