Dating LMB President Victor Dy, Nagulat sa Naganap na Pagpatay kay Edwin Cadiz!

Cauayan City, Isabela – Inamin ni dating Liga ng Mga Barangay President Vicyor Dy na nagulat sa naganap na pamamaril kay Edwin Cadiz kamakailan sa Don Dacanay Street, San Fermin, Cauayan City.

Aniya matagal niyang tauhan si Cadiz at taga-luto sa kanilang bahay dahil mahusay umano itong magluto.

Dati ring member sa Public Order and Safety Office o POSO si Edwin Cadiz at naging security guard ni Victor Dy.


Sinabi pa ni Victor Dy na hanggang sa ngayon ay walang pinapaabot ang PNP Cauayan City sa kaniya ngunit alam niya umano na may gabay na ang kapulisan hinggil sa nasabing pangyayari.

Idinagdag pa ni Dy na wala siyang alam na motibo dahil wala rin umanong sinasabi ang pamilya ni Cadiz.

Matatandaan na kaagad na nasawi si Edwin Cadiz matapos pagbabarilin ng hindi pa nahuhuling suspek.

Facebook Comments