Dating Makati City Mayor Elenita Binay, Inabswelto Ng Sandiganbayan Sa Kasong Graft Kaugnay Sa Umanoy Overpriced Na Mga

40

MANILA – Inabswelto ng Sandiganbayan si dating Makati City Mayor Elenita Binay at dalawang iba pa sa kinakaharap na kasong graft.May kaugnayan ito sa umano’y overpriced na pagbili ng office furniture para sa Makati City Hall na nagkakahalaga ng 13.25 million pesos noong taong 1999 at 2000.Sa report ng government auditors, ang P13.25 million na halaga ng pagkakabili umano sa nasabing mga gamit ay overpriced ng P3.6 million.Batay sa desisyon ng 4thdivision ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na patunayan at suportahan ang mga element para sa kasong graft.Kasama ding inabswelto sa kaso si Ernesto Aspillaga, dating pinuno ng General Services Department ng city hall at si Vivian Edna Edurise, corporate officer ng contractor na Office Gallery International, Inc.

Facebook Comments