United Nations Rapporteur, Naglatag Na Ng Kondisyon Kaugnay Sa Isasagawang Imbestigasyon Sa Mga Kaso Ng Extra Judicial K

6

MANILA – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na naglatag na ang United Nations Rapporteur ng kanilang sariling kondisyon kaugnay sa isasagawang imbestigasyon sa mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.Ayon sa DFA, siyam na kondisyon ang inilatag ni UN Special Rapporteur on Summary Executions Agnes Callamard bago ito magtungo sa Pilipinas.Ilan sa mga ito ay ang pag-imbita rin ang UN Special Rapporteur on Health para bumisita sa Pilipinas.Gusto rin ni Callamard na magkaroon ng kalayaan na makapag-ikot sa buong bansa maging sa mga lugar na itinakdang restricted areas.Kailangan din aniyang i-garantiya ng gobyerno na ang mga indibidwal pribado man o mga opisyal ng pamahalaan na kanyang makakausap ay hindi mapaparusahan o masasampahan ng anumang kaso.Nakatakdang magpulong ang isang inter-agency body upang pag-usapan ang mga inilatag na kondisyon ni Callamard at maging ng gobyerno.

Facebook Comments