Dating Manila City Mayor Alfredo Lim, pumanaw na

953

Kinumpirma ng apo ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na pumanaw na ang kaniyang lolo.


Sa facebook post ni Paul dela Cruz, labis itong nagpasalamat sa mga naging tulong at gabay sa kaniya ng dating alkalde.

Nagpasalamat din si dela Cruz sa mga nag-alay ng panalangin at nagpa-abot ng suporta sa kaniyang lolo hanggang sa huling sandali.

Sa naturang post, bumuhos naman ang pakikiramay ng netizens sa naiwang pamilya ni dating Mayor Lim.

Kahapon, unang napaulat na pumanaw na si Lim sa sakit na COVID-19 pero pinabulaanan ito ng kaniyang Chief of Staff na si Ric de Guzman.

Facebook Comments