Dating Manila Representative Mark Jimenez, sumakibilang buhay na sa edad na 70

Manila, Philippines – Pumanaw na si dating Manila Representative Mark Jimenez sa edad 70.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang pamilya na binawian ito ng buhay dakong alas-6:00 kahapon ng umaga.

Ibuburol ang labi ng dating mambabatas sa funeraria Rey sa Pandacan, Maynila mula bukas hanggang biyernes.


Isasagawa naman ang libing sa araw ng Linggo sa Heritage Park sa lungsod ng Taguig.

Si Mario Batacan Crespo sa totoong buhay ay naulila ang 13 mga anak nito.

Naging malapit itong kaibigan ni dating Pangulo at kasalukuyang Manila Mayor Joseph Estrada.

Taong 2001 ng manalo ito sa pagka-kongresista sa ika-anim na distrito ng Maynila matapos ang pagpapatalsik kay Estrada bilang Presidente.

Tinanggal ito sa puwesto noong 2002 ng House Electoral Tribunal dahil sa alegasyon na vote-buying.
DZXL558

Facebook Comments