Nakatakdang ilibong ngayong araw ang yumaong dating vice mayor ng lungsod ng Maynila na si Danilo Lacuna.
Sa abiso ng Office of the Mayor, alas-2:00 ng hapon ang libing ng dating vice mayor sa Manila South Cemetery.
Dahil limitado lamang ang lugar kung saan ihahatid sa huling hantungan ang dating vice mayor, iilan lamang ang maaaring makasaksi sa paglilibing at bilang respeto na rin sa privacy ng kaniyang pamilya.
Dumagsa naman sa huling lamay ni dating Vice Mayor Danilo Lacuna ang ilang kaibigan, mga dating nakasama nito sa trabaho at ilang mga taga-suporta.
Matatandaan na si Danilo Lacuna ay nagsilbi bilang konsehal ng lungsod ng Maynila mula 1968 hanggang 1975 at bise alkalde ng lungsod noong mga taong 1970 hanggang 1971, 1988 hanggang 1992, at ang pinakahuli ay mula noong 1998 hanggang 2007.
Siya rin ang nagtatag ng local political party na Asenso Manileño, na partido ni dating Mayor Isko Moreno at anak niya na kasalukuyang mayor na si Honey Lacuna.