Dating mataas na opisyal ng BuCor, patay sa ambush sa Muntinlupa City

108

Patay ang isang dating mataas na opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos tambangan ng dalawang hindi nakikilalang suspek.

Kinilala ang biktima na si Atty. Frederick Anthony Santos, dating legal officer ng BuCor.


Bandang 1:50 pm kanina susunduin sana ni Santos ang kaniyang anak sa Montessori School sa Katihan St. Variety Store, Brgy. Poblacion Muntinlupa City nang bigla siyang pagbabarilin habang sakay ng kaniyang Toyota Hilux pick-up.

Ang lugar na pinangyarihan ng pag-ambush ay 100 metro ang layo sa BuCor.

Nagsasagawa na ng pagtugis ang mga otoridad laban sa mga suspek.

 

Facebook Comments